Bil mo ko girl ang siyota

Dear Vanezza,

Simula pa lang ay na-hook ako sa sobrang ganda ng GF ko na mag-iisang taon na kami. Ang problema habang nagtatagal ay lumalabas ang tunay niyang kulay. Bil mo ko girl ang GF ko. Gusto ko po sanang mag-ipon ng pera sa future namin habang maganda ang trabaho ko ngayon. Pero biglang nabura ang nakikita kong future ko sa kanya. Paano ko ba siya kakalasan? – Mon

Dear Mon,

Huwag munang patagalin upang hindi na rin umasa ang siyota mo. Diretsohin mo na gusto mo nang maki­paghiwalay. Kung hindi mo kayang masabi ang dahilan ay manghingi ka ng space. Kaysa magastusan ka pa lalo sa maluho mong GF.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments