Turn off sa mga kalalakihan
Sa bawat relasyon ay gustong maging stronger at magtagal ang kanilang pagsasama. Kung gustong humantong sa forever ang love team ninyo ng partner, may tips sa mga kababaihan ng mga bagay na dapat iwasan dahil turn off sa mga kalalakihan.
Nagging – Pinakaayaw ng mga men ang mga babaing may bungangerang attitude. Generally turn off sa lalaki ang puro reklamo at isyu na pinipukol ng mga girls. Kapag nagsimulang hanapan ng mali at pinupuna ang lahat ng ginagawa niya, nadidismaya ang lalaki sa babae at sa inyong relasyon. Ayaw din ng mga mister at nobyo nang satsat nang satsat ang misis o nobya. Napapagod din ang mga men na makinig na lang. Nagkakaroon ng imbalance sa conversation na hindi nabibigyan ng pagkakataon ang lalaki na magsalita. Kapag paulit-ulit ang ganitong ugali ng babae, tiyak na sooner or later ay lalayo na ang partner.
Clingy – Normal lamang na ma-obsess sa inyong BF, pero hindi namamalayan na hate ng mga lalaki ang sobrang pagka-clingy ng babae. Gusto lang ng babae na nasa tabi at ayaw nang palabasin ng bahay ang BF o mister. Laging naka-check kung saan at sino ang kanilang kasama. Ang sobrang obsession at pagka-clingy ng babae ay isa sa kinakatakutan ng mga lalaki.
Huwag masyadong paikutin ang mundo sa iyong partner, upang mabaling sa positivity ang relasyon sa pagbibigay ng konting space para sa isa’t isa.
- Latest