Ang strawberry ay mabibili ng buong taon sa mga palengke at supermarket. Hindi ito mahirap hanapin gaya ng mga prutas na seasonal lamang kaya naman abot-kamay na rin ang mga benepisyo nitong taglay.
Heto ang ilan sa benefits ng strawberries:
1. Mayroon itong anti-oxidant na ellagic acid na tumutulong sa pagkasira ng collagen sa balat na siyang sanhi ng pagkakaroon ng mga kulubot ng ating skin. Dahil diyan, mas magmumukhang bata ang balat at mababawasan din ang pangungulubot at pagtanda nito.
2. Likas na acidic ang strawberry kaya makatutulong ito upang mawala ang acne/tigyawat sa ating mukha.
3. Mainam din ito sa mga taong may oily skin. Bawasan ang pagmamantika ng mukha at gumawa ng strawberry mask, durugin lang ng mabuti ang laman ng prutas at haluan ito ng honey. Ibabad sa mukha ng 15-30 minuto.
4. Kung sawa na sa papaya at subukan naman ang bisa ng strawberry sa pagpapaputi. Kuhain lamang ang katas ng prutas na ito ay ipahid sa katawan ng 20 minuto bago maligo. Epektibo rin ito sa pagpapaputi ng dark spots na sanhi ng tigyawat na natuyo.