Komunikasyon ng mag-asawa
Maraming uri ng communication na parehong verbal o nonverbal na maaaring paraan upang maka-survive o mawasak ang mag-asawa. Mayroong apat na critical elements kaya nagkakaroon ng lamat ang pagsasama.
Criticism – Ang pagbubunganga, pagbabangayan, at sisihan.
Paghamak – Binabaliwala ang halaga ni misis o mister, rolling eyes.
Defensiveness – Ayaw pakinggan ang tama, inaayos sa sariling paraan na walang consent ng partner.
Stonewalling – Hindi pag-iimik, pagtatago, at pag-iwas,
Pamilyar ba kung paano itrato ang asawa? Para mabawasan ang conflict sa tahanan ay kailangang maging supportive sa bawat isa kung ano o paano ito sinasabi nang maayos kay daddy o mommy. Sa halip na magpokus sa away at kahinaan, hamunin ang asawa na i-build up ang isa’t isa at bawasan ang pagpintas at pagsasabi ng masasakit na salita na maaaring may katotohanan, ngunit winawasak naman ang tulay na nag-uugnay sa may-bahay.
- Latest