Ang pag-participate sa sports at activities ay nakaka-develop ng importanteng character traits at lifelong value sa mga bata na nagbubunga ng positibong impact sa kanilang buhay.
Ang youth sports programs para sa mga bata ay dapat laging safe, fun, healthy, at masayang experience sa mga kabataan. Ang program ay nagpo-promote ng value na dini-develop hindi lang sa physical na activities kundi maging emotional at social na aspeto. Kailangan i-sign up ang anak sa sports upang ma-boost ang self-esteem kung saan ang bata ay natututong magkaroon ng confident sa field. Makikita agad ang resulta ng kanilang hard work sa pag-pay off na may positive impact sa mga self-esteem ng anak.
Sa paglalaro ng sport ay nade-develop din ang teamwork at leadership skills ng bata. Nade-develop din ang communication skills at problem solving sa kanilang paglalaro sa field. Huwag manghinayang sa ibabayad sa sports clinic na sinasalihan ng anak, dahil walang katumbas na halaga ang resulta nito sa bata.