Ang butas sa dingding ay minsan hindi maiwasan, kahit pa nangungupahan lamang. Madali lang itong matapalan na hindi kailangang gumastos. Ang simpleng butas ay kalimitan dahil sa tinanggalan screw na pangsabit ng pic ng frame o pang hook ng display sa wall.
Linisin muna ang butas kahit pa ito ay debris o kahoy na pasadahan ng kutsilyo na may butil ng bigas o grain ang gilid ng butas. Saka kiskisin sa pamamagitan ng sandpaper. Hanggang pumantay o mag-flat ang butas sa pader. Puwede rin gumamit ng dry wall tape na pangsapal sa pader. Saka lagyan ng coat paint depende sa gustong kulay. Ito po inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!