Wonder ng Malunggay sa Kutis

Miracle tree kung ituring ang dahon ng malunggay dahil sa sangkaterba nitong health benefits. Ganun pa man, alam n’yo ba na wonder gulay pa rin ito pagdating sa pag­pa­­panatiling maganda ng ating kutis?

Maaari itong subukan ng mga tina-taghiyawat at ‘yung mga nagda-dry ang mukha.

Hitik ito sa nutrients tulad ng vitamin A, B, C, D, E, at mga minerals gaya ng copper, iron, zinc, magnesium, silica, at manganese.

Mayroon ding itong moisturizing and nourishing properties na daig pa ang ibang mga nagmamahalang produkto.

Bukod sa pagkain ng sinabawang malunggay, maaari ring subukan ang face mask.

Paghalu-haluin lamang ang katas ng dahon ng malunggay, honey, at lemon. Ilagay ito sa mukha ng hanggang 15 minuto at saka banlawan.

Maaring gawin ang facial mask na ito ng dalawang beses sa isang linggo at doon masusubukan kung epektibo rin ba ito sa inyo.

Show comments