Gadgets modern pacifier ng anak

Ang gadget o smart phone ay modern pacifier na ngayon. Para kumalma ang pag-aalboroto ng mga bata ay ito ang pampatahimik na ibinibigay ng mga magulang sa kanila, pero ito rin ang dahilan upang ma-addict ang mga anak sa tech gadgets.

May positibo at negatibong epekto ang gadget sa anak, nasa kontrol ng mga magulang upang mapigilan ang problema. I-schedule ang tamang gamit ng devices at iplano ang pag-aaral at physical na paglalaro ng anak.

Magkaroon din ng ‘tech-free’ na walang hawak na electronic gadgets tuwing kakain o bedtime ng mga anak. Hindi maiiwasan ang digital era, pero nasa autho­rity ng magulang ang mag-set ng rules ng limitasyon at pagbabalanse ng paggamit ng mga anak ang kanilang devices.

Show comments