‘Chop chop’ Lady ‘di pa Nalulutas
Mayo 28, 1967, nang magulantang ang buong Pilipinas sa kauna-unahang kaso ng chop chop na lumabas sa mga headline. Ito ang kauna-unahang kaso ng ‘chop chop’ Lady sa ‘Pinas, ‘di pa rin nalulutas
Si Lucila Lalu, 28 taong gulang, isang negosyante, ang natagpuang wala nang buhay at putul-putol ang katawan. Nagkalat ang iba’t ibang parte ng katawan nito sa bahagi ng Maynila at unang natagpuan ang kanya mga binti malapit sa kanyang resto na pinira-piraso sa apat at ibinalot sa diyaryo, habang ang kanyang katawang walang ulo ay natagpuan naman sa isang bakanteng lote sa EDSA.
May laman pang isang buwang sanggol ang kanyang sinapupunan nang siya ay patayin. Apat na lalaki ang itinuturing na suspek sa krimen na ito, kabilang na rito ang kanyang asawa. Lumalabas na may kaugnay sa selos ang naganap na krimen.
Si Florante Relos, 19, waiter sa resto ng biktima, ay kabit diumano ng biktima. Nahuli ni Aniano Vera na magkayakap ang dalawa, dahilan para kaladkarin niya ang asawa. dalawa pang lalaki ang sangkot, na ang isa ay kinilalang si Jose Luis Santiano, 28, dental student.
Napawalang sala sina Relos at Vera dahil sa kakulangan ng ebidensiya, samantalang umamin naman si Santiano sa nagawa pero agad nitong binawi ang statement sa sumunod na araw, dahilan para hindi umusad ang kaso.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang ulo ni Lucila at hindi pa rin nakakamit ang hustisyang para sa kanya.
- Latest