May foreigner na ‘asawa’ na si misis
Dear Vanezza,
Nasa London ang misis ko na tatlong taon nang hindi nauwi. Ngayong lamang niya sinabi sa akin na mayroon na siyang ka-live in na foreigner. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay nararamdaman ko na mayroon na siyang iba. Wala na akong magawa kahit anong pakiusap ko sa kanya na bumalik sa amin. Ang problema ko ay kung paano ko sasabihin sa anak namin ang pakikipaghiwalay ng mama nila sa amin? - Rodney
Dear Rodney,
Kailangan mong sabihin sa mga anak mo bago pa nila malaman sa ibang tao. Kausapin ang mga anak na magpakatatag para sa inyong pamilya. Manalangin na magbago pa ng desisyon ang misis mo, kundi hindi ay magpakalakas para sa iyong mga anak.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest