Kamay ng binata tinaga ng ama sa pagkaadik sa porn!

Grabe na ‘to!

Isang binata sa India ang tinaga ng tatay ang kamay dahil sa pagkaadik sa panonood ng porn.

Kung maraming mga magulang ang ­dinidi­­si­p­­lina ang kanilang mga anak para lumaking isang ma­buting tao, may iba naman na grabe ang “pagdidi­siplina” na human­tong sa krimen.

Isa ang kaso ni Mohammad Khalid Qureshi, 18 na taga-Hyderabad, India. Naadik kasi siya sa paggamit ng kanyang bagong cell phone partikular sa panonood ng porn. Ilang beses na siyang napagsabihan ng kanyang amang si Mohammad Qayyum Qureshi na isang matador pero ayaw paawat ng binata.

Isang umaga, nag-away ang mag-ama at inagaw pa ng tatay ang cell phone sa anak pero kinagat pa siya nito sa kamay. Kinabukasan, nag-away na naman sila at dito na kinuha ni Mohammad Qayyum ang kanyang butcher’s knife at tinaga ang kamay ng anak.

Naisugod naman agad sa ospital ang binata ngunit 90% umano ang damage rito at mahirap nang ibalik.

Show comments