Solusyon sa Psoriasis

BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa maintenance na gamot, kung angkop ang home remedy sa kondisyon.

1. Maaaring magpahid ng aloe vera gel sa balat ng hanggang tatlong beses kada-araw. Ayon sa ilang pagsasaliksik, nakababawas ito ng pamumula at pagbabalat dulot ng psoriasis.

2. Magpahid ng apple cider vinegar sa anit ng ilang beses sa isang linggo. Maaari ring haluan ng parehong dami ng tubig para maiwasan ang hapdi.

3. Magbabad sa warm bath na may Dead Sea salts o Epsom salts sa loob ng 15 minuto para matanggal ang pangangati at pagbabalat.

4. Wala pang scientific study ang nakapagpapatunay pero may iba nang nagsabi na nakatulong sa kanila ang paglalagay ng oat paste o paliligo sa oats.

5. Gumamit ng shampoo na may tea tree oil.

6. Uminom ng turme­ric supplement o kumain ng curry.

7. Magpahid sa balat ng cream na may oregon grape na sinasabing epek­tibong panlunas sa mild to moderate psoriasis.

Show comments