Paboritong magulang ni teacher

Kung paano hindi makalimutan ng teacher ang kanilang estudyante, ganundin ang mga magulang.

Malinaw na naaalala ng isang teacher ang isa sa pa­rents ng kanyang estudyante kung paano nito respetuhin ang anak niya.

Sa buong taon ay napapansin ng teacher na sa lahat ng activities ng school mapa-field trips, party, o habang naghihintay si nanay sa anak nito. Sa tuwing magsasalita ang anak ay tumitigil si nanay sa kanyang ginagawa. Naka-eye level talaga ang tingin sa anak habang interesadong nakikinig sa sinasabi ng bata.

Saglit na bina-block out ni nanay ang lahat ng bagay para masiguradong maramdaman ng anak na ibinibigay ni nanay ang buong atensiyon para sa kanya. Kahit gaano pa kaiksi ang minuto o higit pa sa kanilang pag-uusap.

Wala naman sinasabi si nanay na gusto lang ipaalam sa anak kung gaano siya ka-proud sa bata. Nirerespeto ni nanay ang anak, kaya hindi nakapagtataka na marespeto rin ang bata sa kanyang mga classmates.

Show comments