Gestures at body language sa interview
Karaniwan sa job interview ang mga canditates ay kinakabahan at natatakot sa kung anong isasagot sa tanong. Lahat ay conscious at ninerbyos kapag haharap sa personal interview. Ang ganitong emosyon ay naaapektuhan ang body language kung kaya pinagpapawisan.
Pero kung interview na walang paghahanda ay talagang aatakihin ng takot sa kung ano ang itatanong na baka hindi mo alam. Sa kaisipan ay nahihirapan ang indibidwal na mag-concentrate sa kung ano ang alam nila. Nade-develop din ang bad gestures at body language na nagkakaroon ng negatibong impact sa isipan ng interviewer.
Para hindi nerbyusin ay paghandaan ang interview para alam kung ano ang sasabihin sa tanong ng kaharap. Tiyak na makadadagdag ng confidence kung ang diskarte at approach ay paghahandaan ang inyong interview.
- Latest