Personal Year Forecast

Part 10

Paano ang kalkulasyon ng Personal Year: Birth month + Birth Date + Present Year. Laging ire-reduce sa single number ang answer, maliban sa 11 at 22 dahil master numbers ang mga ito.

11 Personal Year

Ito ay special cycle year kung kailan nagi­ging maawain at mapagpatawad ka sa pagkakamali at kahinaan ng iyong kapwa. Mas magiging makabuluhan ang cycle kung ikaw ay ipinanganak sa 11th day of any month, or ang sign mo ay Leo at Aquarius.

HEALTH: Astigmatism, alta presyon at problema sa puso, lungs at tiyan ang mararanasan. Siguraduhing positive people ang laging kapiling at panatilihin ang pagi­ging optimistic upang maiwasan ang pagkakasakit. Mag-ingat sa mga buwan ng February, April, July, at November.

CAREER: Kakambal ng master number 11 ang 3 F’s—fame, fortune, and friends. Makakabuti sa iyong career kung magiging matulungin ka sa iyong mga kasamahan sa trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng encou­ragement at pagtuturo ng dapat gawin kung bago pa lang sa trabaho ang kasamahan. Who knows, may mga mata palang sumusubaybay sa mga ginagawa mo. Lucky day sa career ay Monday at Friday. May job developments sa March, April, June, August at December.

TRAVEL: Magla­lakbay sa March, July, August, at December. Ang layunin ng biyahe ay hindi para maglibang kundi ‘magturo’ upang maliwanagan ang mga tao.

Show comments