^

Para Malibang

Single awareness day

Pang-masa

Ang romance ba ay kailangan nang lahat? Hindi ah, mali! Ito ang sigaw ng mga single. Hindi maiaalis na ang Valentine’s Day ay isang makinarya na marketing strategy para mabenta ang mga items sa Araw ng mga Puso na hindi naman kailangan maapektuhan ang lahat, gaya ng mga single.

Kasabay ng okasyon ng Valentine’s Day ang pagdiriwang din ng Single Awareness Day sa mga nag-iisang indibidwal na puwedeng dahil sa mas piniling magsolo o sa hindi inaasahang sitwasyon kaya walang partner.

Kahit ang paligid ay puro kuwento ng pag-ibig, bulaklak, chocolates, at nakasabit na puso; hindi  kailangan mailang o matakot ang mga single. Maaari pa rin maging happy bilang single ngayong Araw ng mga Puso. Hindi rin dapat padala sa pressure na dapat ay i-date o i-partner sa iba para lang i-celebrate ang moment.

Mas madali kung tatanggapin ang pagiging single. Para mas mahalin at yakapin ang pagiging solo sa buhay. Marami pa ring benepisyo ang pagiging single. Wala kang kaagaw sa remote control, hindi sasakit ang ulo mo dahil walang kaaway sa bahay, at hindi kailangan makipagkompromiso sa mga bagay na ayaw mong gawin.

Imbes na malungkot ngayong V-Day, puwede pa ring i-celebrate ang pagiging healthy, mga achievement, self-worth, pagkakaroon ng kalayaan, at happiness na mayroong tiwala sa piling ng pamilya at ibang mahal sa buhay.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with