Nobya Sumama kay Pinsan

Dear Vanezza,

Nag-away kami ng nobya ko ng isang buwan dahil ayaw niyang sumama sa akin sa Manila kung saan ako nagtatrabaho. Hindi ko matiis ang GF ko kaya binalikan ko siya sa Mindoro. Pero pagdating ko ay sumama na raw ito sa pinsan ko sa kabilang bayan. Gusto ko sanang siyang bawiin. Pero may balak na raw silang  magpa­kasal ng pinsan ko. May tsansa ba ako sa GF ko? – Ambo

Dear Ambo,

Marahil ay wala na dahil mas pinili na nitong magpakasal sa iyong pinsan. Kalimutan mo na ang nangyari. Sa halip ay ibuhos ang iyong oras sa pagtatrabaho para maibaling ang iyong kalungkutan. May darating din na tamang babae na sasang-ayon din sa iyong plano balang araw.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments