Maling Paggamit ng Condom (7)

Marami pa ring maling ginagawa ang mga la­laki pagdating sa paggamit ng condom, ayon sa men’shealth.com. 

Talakayin naman natin ngayon ang tungkol sa problema sa lubrication. 

Importante rin na i-check ang lubrication ng condom.

Kapag walang lubrication ang condom, delikado. Malamang sa hindi, mabubutas at mabubutas ‘yan lalo na kung pangmatagalan ang balak mong session. 

I-check din kung anong klaseng lubricant ang ginagamit sa condom, meron kasing oil based na hindi maganda sa latex na condoms. Prone ito sa pagkapunit ng condom.

Ang oil based lubricant kasi ay nakakapagpaluma ng condom. 

Mas magandang gamitin ang water based ­lubricant o silicon based lubricant. Pero siyempre, pinakamaganda ang organic lubricant, sossy lang ang peg mo pero mahal nga lang. ‘yan ay kung keri ng budget mo.

Iminumungkahi rin ang paggamit ng extra ­lubricant. Para mas exciting. Go, Go, Go!!! 

ITUTULOY

Show comments