Batang Sobrang Lakas Kumain

Grabe na ‘to!

Isang batang babae na taga-Jharkhand, India ang itinuturing na isa sa pinakama­bigat sa kanyang mga kaedaran. Tumataginting na 53 lbs. ang timbang ni Aliya gayong wala pa itong dalawang taong gulang.

Mahigit sa 21 million views ang nakuha ng YouTube video ng bata kung saan hirap na hirap itong kumilos dahil sa sobrang katabaan.

Hindi pa rin maisip ng mga magulang ni Aliya kung bakit lumobo ito ng ganun kalaki dahil wala naman sa pamilya nila ang sobrang taba. Ayon sa isang pediatrician sa Orchid Medical Center, may roon siyang mga teyorya kung bakit sobrang laki ng bata. Naniniwala siyang nagsa-suffer sa Prader-Willi syndrome ang bata. Isa itong rare disorder kung saan ang tinaman nito ay hirap matuto, may mga abnormalities ang paglaki, at ang sobrang lakas sa pagkain na siya ngang nangyayari kay Aliya.

Umaasa ang mga magulang ng bata na matutulungan pa sila at magiging normal ang buhay ng kanilang anak.

Show comments