Para sa Malinaw na Paningin

BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

1. Iwasang tumutok sa computer o television screen nang matagal. Ipahinga ang mga mata kada 20 minuto para hindi ito mas­yadong ma-over use.

2. Kung magtatrabaho sa harap ng computer, kailangang 18-24 pulgada ang layo ng screen sa mga mata. Dapat ay mas mababa rin sa eye level ang posisyon ng monitor.

3. Iwasang magbasa sa madilim dahil nai-strain ang mga muscle sa mata kapag ginagawa ito.

4. Huwag magsusuot ng antipara o salamin sa mata kung mali ang grado nito.

5. Kapag nasa arawan, protektahan ang mga mata sa pagsusuot ng sunglasses.

6. Matulog ng walong oras para magkaroon ng panahong maka-recover ang mga mata.

7. Kumain ng carrots, spinach, kamote, blueberries, broccoli, at iba pang green leafy vegetables.

Show comments