Pagkakaiba ng Mayaman at Mahirap

Maliit lang ang pagkakaiba sa pagitan ng mayaman at mahirap.

Karamihan sa mayaman ay nagsimula sa pagiging mahirap.  Mayroon silang pinagdaanang humble beginnings.   Sila yung mga  anak mula sa mahihirap na pamilya. Pero napagtagumpayan ang financial na kakula­ngan, kahirapan, na ang iba ay talagang gumapang sa hirap ng buhay. Walang makain, hindi makapag-aral, at walang inaasahang tulong mula sa iba.

Ang maganda ay nalampasan nila ang hamon ng buhay dahil sa kanilang mindset na mayroong disiplina, sipag, pagiging  masinop sa  pera, at vision sa buhay.

Kahit ano pa ang kalagayan na komo ay  ipinanganak na mayaman o mahirap,  estado ng magulang, corrupt na gobyerno, at  institusyon ay maliit na  bagay  o minor role lang  na sitwasyon sa buhay.

 Ikaw ang gumagawa ng sariling destiny. Hindi ang anumang kalagayan ang magdidikta ng direksyon sa iyong buhay. Dahil ikaw mismo ang gumagawa ng desisyon ngayon para sa iyong future.

Show comments