Maraming pagkakaiba ang personality ng mag-asawa na mayroong advantages at disadvantages. Maaaring si misis ay mas matatag sa pag-handle ng problema.
Hindi naman kahinaan sa mister na matuto at sumandal sa paghugot ng lakas kay misis. Sa ibang pagkakataon ang mister naman ang mas matibay na nagbibigay ng support sa sitwasyon na kailangan ng kanyang kabiyak.
Habang tumatagal ang mag-asawa ay dapat parehong nagtutulungan sa commitment at responsibilidad para sa pamilya.
Kapag ang magulang ay nagpatuloy na hinaharap ang problema ay mas napapagaan, kaysa bigyan ng pressure ang pagsasama. Kailangan lumago bilang mag-asawa sa pagpasan ng marital responsibility na isang lifelong commitment. Habang tumatagal at tumatanda ay dapat manatili ang love, appreciation, at respeto. At para mag-work ang marriage life, kailangan parehong may commitment at hard work. At hindi base sa “wait and see” na attitude na susubukan lang na kapag hindi nag-work out ay naghihiwalay na.
Ang buhay mag-asawa ay nakabase sa intigridad ng pamilya. Hanggang hindi pinapahalagahan ang institution ng pamilya ay manganganib na mawasak din ito.