Teleportation Noong Panahon ng Kastila

Ang pagti-teleport ay isa pa ring malaking palaisipan hanggang ngayon. Marami na ring istorya ng teleportation ang naitala sa iba’t ibang panig ng mundo pero mayroon ding kaso nito sa Pilipinas noong 16th Century pa.

Si Gil Perez ay isang ordinaryong Spanish soldier at miyembro ng Filipino Guardia Civil noong mga panahong iyon. Pero isang kaganapan sa kanyang buhay ang nagpabago ng kanyang pananaw at maging mga tao roon. Oktubre 24, 1593 nang magulat si Gil dahil napadpad siya sa Plaza Mayor sa Mexico City na halos 9,000 nautical miles ang layo sa Maynila kung saan siya nagbabantay. Ang weird na “teleportation” incident ay hindi pinaniwalaan ng mga mga Mexicans at ikinulong si Gil dahil ang paniwala ng mga tao ay kampon siya ni Satanas.

­­Nang tanungin siya kung ano’ng nangyari, ta­nging kuwento nito ay bago siya napadpad ng Mexico, nagpapahinga lang siya sa isang dingding sa loob ng Palacio Del Gobernador sa Pilipinas. Bilang pruweba ay sinabi niya na napatay ng mga Chinese na pirata ang Gobernador Heneral na si Gomez Perez Dasmarinas at naghihintay ang mga guwardiya ng kapalit.

Dalawang buwan ang nakalipas, nagbigay ng balita ang Manila Galleon at nagkumpirma ng lahat ng de­talyeng ikinuwento ni Gil. Sa katunayan, isang pasahero umano roon ang nagkumpirmang nakita niya sa Pilipinas si Gil noong Oktubre 23.

Dahil walang iba pang ebidensya magpasahanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang nangyaring ito. Sa palagay n’yo totoo kayang nakapag-teleport si Gil?

Kayo na ang humusga.

Show comments