Ang regular na physical activity at exercise ay iniuugnay sa maraming benepisyo ng physical at mental health sa mga lalaki o babae. Ang simpleng regular na physical activity ay may positibong impact sa bawat aspeto ng buhay at sistema ng katawan.
Ang ehersisyo ay nagpapababa ng panganib na magkaroon ng stroke, dalawang uri ng diabetes, kanser sa colon o breast. Bumababa rin ang blood pressure, nai-enhance ang insulin sensitivity, nagkakaroon ng carbohydrate tolerance, pini-preserve ang bone mass, nakakaiwas sa depression at anxiety. Nagkakaroon ng energy at nakatutulong sa lower risk ng dementia.
Samantalang ang kakulangan sa ehersisyo ay nagbubunga ng obesity sa mga nakatatanda at kabataan. Marami ang hindi nag-e-exercise na kadalasan ang dahilan ay walang oras. Hindi kailangan ng maraming oras sa pisikal na aktibidad. Ang 10 minutes na timeframe na gawin tatlong beses sa isang linggo na padagdag nang padagdag ng minuto ay malaking tulong na sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.