Self-mummification uso sa Japan

Ang mga Japanese monks at pari sa Yamagata na nasa Hilagang bahagi ng Japan ay nagsasagawa ng self-mummification o tinatawag na Sukoshinbutsu.

Para maisagawa ito ay kailangan nilang tanggalin ang lahat ng taba sa kanilang katawan sa pamamagitan ng paggawa ng mabibigat na physical activities. Bukod pa ito sa kanilang kakaibang diet kung saan nuts at seeds lang ang tangi nilang kakainin sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos nito ay kakain sila ng sanga at ugat ng punongkahoy at sisimulang uminom ng dagta ng Urushi tree. Ang dagta ng nasabing puno ay nakalalason dahil ginagamit ito sa pacquer bowls. Ang pag-inom nito ay para magsuka ang mga mong­he at ilabas lahat ng fluid sa katawan. Pinaniniwalaan ding mamamatay ang mga uod sa katawan ng tao kapag ito ay namatay at maiiwasan ang pagkaagnas ng bangkay.

Pagkatapos ng nasabing diet ay magkukulong ang monghe sa isang libingang gawa sa bato at nakaupo ng lotus position. May air tube na konektado sa labas para hingahan. May dalang bell ang monghe at araw-araw niya itong patutunugin para malaman ng mga nasa labas kung ano ang estado niya. Kapag hindi na tumunog ang bell ay indikasyon itong patay na ang mong­he at tatanggalin na ng mga nasa labas ang tubo na daluyan ng hangin.

Show comments