Ang inyong asawang lalaki ay gustong magkaroon ng kontribusyon sa buhay para makakuha siya ng respeto. Kailangang malaman ni mister na importante siya. Kung walang respeto si misis, hindi rin niya makitang irespeto ang sarili.
Si misis ang salamin ng mga mister. Kapag ipinakita ang respeto kay hubby, nararamdaman nito na mahalaga rin siya at nagkakaroon ng tiwala sa sarili.
Pero hindi maiaalis minsan na maliit lang ang tingin ni misis sa asawa kung respeto ang pag-uusapan. Lalo na kung lasenggo si mister at halos wala nang panahon maging sa mga bata. Kaya nahihirapan si misis na tingnan si mister ng may respeto o honor dito.
Bakit hindi subukan na imbes na magpokus sa kahinaan ni kuya, simulan tingnan ang mga positibong bagay ni mister. Ang tamang pananaw rin ay makatutulong na magkaroon ng self-esteem ang asawa.
Tandaan, ang bilin sa mga misis ng Bibliya na mag-isip ng bagay na totoo, honorable, tama, dalisay, kaibig-ibig, at ibang magagandang bagay. Ibaling ang atensiyon sa mga admirable qualities ni mister kaysa sa negatibong ugali. Dito magsisimula ang respeto at pagbuo ng kanyang self-esteem.