Pekeng Job Offer sa Social Media

Maraming job offer sa email ay scam o fake na dapat mag-ingat ma­ging ang overseas Filipino workers na gustong mag-apply muli ng trabaho.

Sa babala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), karamihan sa naka-post sa social media ay may magagandang offer na trabaho na may mala­laking suweldo at mara­ming benepisyo.  Sinasabi na napili ka sa random pick kahit hindi ka naman nag-apply. Humihingi ng malaking pera bilang down payment o bayad sa aplikante, para raw sa processing fee at training. Ang demand pa ay ipadala ang iyong pera sa Western Union o LBC dahil hindi madaling ma-trace ang kumukuha ng pera sa mga nasabing bayad center.  Walang company address o email, kundi gamit lang ang free email services tulad ng  yahoo, hotmail, o gmail. Ang lehitimong agency ay nagbibigay ng email address na puwedeng i-check sa google o Internet. Magduda kapag hindi ka i-entertain ng ahensiya kapag hindi ka agad nagbigay ng pera. Ang kutuwiran ay pinapaalis lang ang aplikanteng nagbabayad agad sa kanila ng malaking halaga.

Show comments