Kadalasan sinisigawan ng magulang ang kanilang mga teenager na anak. Pero ang ganitong discipline tactics ay mas nagpapalala sa ugali ng anak.
Sa pag-aaral, ang pagbibitiw ng masasakit na verbal discipline sa bata mula sa edad na 13 years ay mas nagpapalaki ng problema.
Ang paninigaw, pagmumura, at pagtawag ng kung anu-anong pangalan na ang dating sa mga bata ay pagpaparamdam at pagpapakita ng rejection ng mga magulang.
Ito rin ang isa sa mga dahilan kung kaya lumalayo ang loob ng mga anak sa kanilang mga magulang.
Pero ang malumanay na pakikipag-usap sa bata ay nag-aalis ng galit at nakukuha rin ang puso ng anak para sumunod. Sa mga murang edad ay turuan na ang mga bata na sumunod sa rules at limitasyon para habang lumalaki ay nakakasanayan na ng mga anak.