Green Tea Para Iwas Bad Breath!

BURP FACT

Numero unong pumapasok sa isip natin kapag nababanggit ang green tea ay pampapayat! Totoong nakakapagpapayat ang pag-inom ng green tea dahil nakapagpapababa ito ng cholesterol at nakapagpapabilis ng metabolism. Maganda rin itong pang detox.

Pero alam n’yo ba na marami pang benepisyo ang pag-inom ng green tea? Bukod sa mabisa itong pangontra sa cancer, mabisa rin itong proteksyon sa mga heart disease at diabetes. Nakatutulong din ito para mamintina ang malusog na circulatory system ng ating katawan.

Maganda rin sa oral health ang pag-inom ng green tea dahil nakaka­tulong itong makapag-build up ng cavities sa ngipin at nakababawas ng plaque at bacteria sa ating mga bibig. Kaya nakaiiwas din ito sa mabahong hininga. Nagpapatibay din ito ng tooth enamel.

Maganda rin sa balat ang pag-inom ng green tea dahil mataas ito sa antioxidants. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments