Noon pa man ay mahilig na ang mga kababaihan sa pagpapakulay ng buhok. Pinaniniwalaang nagsimula pa ito noong 1500 BC sa Egypt.
Una silang gumamit ng henna upang itago ang pagputi ng kanilang buhok na hanggang ngayon ay ginagawa pa ng matatanda.
Samantala, nakagawian na rin ng mga babae ang mag-ahit ng buhok sa kili-kili dahil mas malinis tingnan kung ikaw ay may makinis na kili-kili.
Pero ngayon, alam n’yo ba na nauuso sa kababaihan ang pagpapahaba ng buhok sa kili-kili at saka ito kukulayan?
Si Madonna ang nagsimula ng kakaibang trend na ito na sinundan naman ni Miley Cyrus.
Hindi masyadong tinanggap ng publiko ang naturang trend dahil para sa nakakarami, weird ito at madungis tingnan. Pero para sa followers ng dalawang Hollywood artist, ito ay parte ng fashion.