Anong Sikreto Para Hindi Dumikit ang Anghang ng Sili sa Balat?

BURP TIPS

Mahilig tayong mga Pinoy sa pagkain ng maaanghang. Kahit pa nga sawsawan ay marami sa atin ang naglalagay ng sili para mas ganahan kumain. Marami rin tayong putahe na mas masarap kung may sipa ng sili.

Pero ang paghiwa ng sili ay mahapdi sa balat kapag nagtagal ito. Ano nga ba ang sikreto para hindi makaapekto sa balat ang anghang ng hinihiwang sili? Vegetable oil lang ang katapat niyan. Tama, mantika lang ang katapat. Maglagay lang ng kaunting ve­getable oil sa kamay bago maghiwa ng sili at siguradong hindi kakapit ang anghang nito sa kamay at balat. Maghugas na lamang ng tubig at sabunin ang kamay pagkatapos maghiwa ng sili. Sa ganitong paraan maiiwasan na “masunog” ang balat sa anghang ng sili.  Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments