Natural na Pagkatao ni Mister

Ang mga misis ay dapat umiintindi sa na­raramdaman ni mister at kung bakit kakaiba ang kanyang inaasta o nararamdaman.

Kailangang magbigay ng pokus kay hubby, hindi sa negatibong bagay kung paano apektado si misis. Sa kinikilos ni mister at pakikipag-usap na naghahanap ng kompirmasyon na tanggap sila ng kanilang misis. Hindi tinatanong o nag-aalangan sa ka­ni­lang ipinapakitang com­mitment at loyalty kay misis?

Ibigay ang assurance ng buong pagtanggap sa kanya, kahit hindi naiintindihan si mister. Kailangan manala­ngin para matulungan na tanggapin si mister na hindi naman talaga madali dahil araw-araw kasama ang partner sa mahirap na sitwasyon.

Pero mahalaga sa mga lalaki na tangga­pin ng mga misis ang ka­nilang mister.

Dahil nararamdaman ng mga lahi ni Adan ang sense of love mula kay misis o partner kung sino siya ngayon, hindi sa pinipilit na baguhin ang natural na pagkatao ni mister.

Show comments