BABALA: Kumunsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
Nakakahiya at nakabababa minsan ng self-esteem ang pagkakaroon ng peklat dulot ng mga sugat sa katawan. Pero may ilang paraan para hindi na ito masyadong mahalata.
1. Pahiran ng aloe vera gel ang peklat nang paikot at iwan ito sa balat ng 30 minuto bago hugasan.
2. Masahihin ang peklat gamit ang pinainit na extra-virgin olive oil sa loob ng 5-10 minuto. Iwan ng 1 oras para ma-absorb ng balat. Gawin ito 2-4 beses sa isang araw.
3. Pahiran ng vitamin E oil mula sa capsules ang peklat at masahihin ng 10 minuto. Iwan ng 20 minuto bago ito banlawan.
4. Lagyan ng lemon juice ang peklat at iwan ng 10 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
5. Lagyan ng honey ang peklat at balutan ng bandage. Iwan ito magdamag bago banlawan ng maligamgam na tubig kinaumagahan.
6. Pahiran ng pure cocoa butter ang peklat at masahihin paikot. Iwan ito magdamag bago hugasan ng maligamgam na tubig kinabukasan.
7. Maghalo ng 4 na patak ng tea tree oil at 2 kutsarang tubig. Gamitin ito panghugas sa peklat.