Mga Bolang Nakalutang sa Pool

Panaginip: May company outing kami sa isang resort. Maraming makukulay na bola na nakalutang sa swimming pool. Lahat ng empleyado ay nagtalunan sa pool at nag-agawan sa bola. May nag-announce na may pera sa loob ng bola. Ang ending ay nagkasakitan ang mga tao dahil nag-agawan sa bola. ---G.M.

 

Interpretation: Magkakaproblema ka sa trabaho. Ang bola ay simbolo ng intriga, isyu, o problema na magiging ugat ng kaguluhan at pag-aaway ng mga tao. Ang swimming pool ay work place.

Show comments