Ang mga buntis na babae ay naglalakad na parang pabo. Hindi dahil sa extra weight ng kanilang pagbubuntis, kundi dahil ang joints ay mas relax dahil nasa gitna ang bigat o pagbabago ng gravity na nararamdaman. Karaniwan ang normal na size ng uterus ay kasing laki ng prutas na peras. Pero kapag buntis ang babae, ang uterus ay nagbabago na maaaring kasing laki ng pakwan na 500 beses ng aktuwal na laki nito. Para mapadali ang panganganak, ang katawan ay naglalabas ng hormone na tinatawag na relaxin, nagpapalambot ng joints at ligaments ng babae.