Patatas Posibleng Tumubo sa Planetang Mars

Burp Fact

Hindi madali ang pagkain ng mga astronaut sa space. At dahil limitado sila sa kanilang maaaring kainin, nagpapalaki rin sila ng mga halaman doon.

Ang patatas ang pinakaunang pagkain na pinatubo nila sa space. Taong 1996, dinala ang kauna-unahang potato plant sa space sa pamamagitan ng space shuttle na Columbia.

At alam n’yo ba, na isang eksperimento ang gi­nawa para malaman kung mabubuhay ang patatas sa planetang Mars? Noong Pebrero 14, 2016, ang researchers ng International Potato Center sa Peru na kilala bilang CIP (Spanish Acronym), ay nagtanim ng potato tuber sa isang container na may temperatura at atmospheric conditions tulad ng Mars. Tumubo ang patatas na ibig sabihi’y posible itong maitanim sa Mars.

Kaya sakaling i-explore pa ng ating mga astronaut ang Mars ay hindi na sila mawawalan ng supply ng pagkain. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments