Paano ‘Itago’ ang Luya sa Lutuin

Burp Tips

Importante ang tinatawag na aromatics sa mga lutuin dahil hindi lang ito nagpapabango kundi nagpapasarap din.   Sibuyas, bawang, luya, at herbs ang mga halimbawa ng aromatics.

Luya ang isa sa pinakamahirap ihanda dahil na rin sa pagbalat nito.

Nagbigay na kami ng tip kung paano mas mapadadaling balatan ang luya, ngayon naman ay mas madaling paraan para maihalo ito sa mga lutuin at makain lalo na ng maseselan sa lasa nito. Kaysa kasi hiwain ito, maaari itong kudkurin gamit ang microplane. Pero siyempre dapat linisin at hugasang mabuti ang balat ng luya no! Baka naman may lupa-lupa pa eh kudkurin n’yo na! Hahaha

Maaari rin namang balatan muna ang luya kung maarte kayo. Pero kung malinis na ito, puwede nang isama ang balat. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments