Nagdudulot ng labis na pananakit ang pagkakaroon ng kidney stones. Kaya dapat ingatan ang hindi pagbuo nito. Narito ang ilang paraan para masolusyunan at maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stones
1. Maghalo ng tig-4 na kutsara ng fresh lemon juice at olive oil. Inumin ang mixture kasunod ang maraming tubig. Gawin ito 3 beses kada-araw.
2. Maghalo ng 2 kutsarang organic apple cider vinegar at 1 kutsaritang honey sa isang tasa ng mainit na tubig. Inumin ito ilang beses sa maghapon.
3. Uminom ng isang tasa ng basil tea na may 1 kutsarang honey.
4. Kumain ng pakwan dahil mayaman ito sa calcium, magnesium, phosphates, at carbohydrates. Ang potassium ay mainam para sa kidneys.
5. Uminom ng isang baso ng wheatgrass juice na may 1 kutsaritang lemon juice at juice mula sa basil leaves.
6. Kumain ng whole grain cereals para maiwasan ang pagkakaroon ng bato.
7. Uminom ng isang baso ng celery juice araw-araw.