Kailangang maging health conscious para kondisyon ang katawan. Mayroon ding paraan para mapanatiling kondisyon si ‘Manoy.’ May mga bagay na dapat isaalang-alang para mag-function ng maayos si ‘Manoy.’
Kailangang mag-maintain ng healthy weight para maiwasan ang fat deposits na maaaring makabara sa ugat na makakaapekto sa erection at kailangan ding kumain ng healthy at natural na pagkain para maiwasan ang mga plaque deposits na maaari ring makabara sa blood vessels na makaaapekto sa function ni ‘Manoy’, kailangang bawasan o iwasan ang stress at bawasan o tanggalin ang paninigarilyo.
Kailangan ding kontrolin ang pag-inom ng alcohol.
Ang pag-inom ng alcohol in moderation ay nakatutulong laban sa anxiety at para sa pagpapataas ng blood flow sa improvement ng erectile function. Ngunit kung masosobrahan sa alcohol, maaaring malagay sa panganib ng erectile dysfunction.
Ang alcohol ay isang depressant at kapag nasobrahan sa pag-inom, naaapektuhan ang mood, bumababa ang sexual desire at nahihirapan ang lalaki na ma-achieve ang erections o maabot ang orgasm kapag lango na sa alcohol. (source: http://www.privategym.com, http://www.everydayhealth.com)