Kakaiba ang paandar ng Emirates Palace Hotel na matatagpuan sa Abu Dhabi.
Imbes kasi na inumin ay gold bar ang mabibili sa vending machine na makikita sa lobby ng nasabing hotel.
Balot na balot din ang nasabing machine ng manipis na klase ng ginto at nag-o-offer ito ng 320 items na puwedeng pamilian ng mga gustong bumili.
Iba-iba rin ang bigat ng mga gold na umaabot ng hanggang sampung gramo.
Updated din ng presyo ng ginto dahil mayroon itong computer system na konektado sa mga gold dealer na bihasa sa pagbebenta ng ginto.
Ayon pa sa hotel, dirham pa lang ang kanilang ginagamit na currency pero malapit na rin silang tumanggap ng credit card para makabili ng ginto.