Senyales na Sinungaling ang Kausap

Hindi lang ang pamumula at paghaba ng ilong katulad ni Pinocchio na masasabing nagsisinungaling ang kausap. Marami pang senyales na sinasabi ng mga experts para malaman kung  hindi nagsasabi ng totoo ang kaharap.

Ang unang assessment ng isang imbestigator sa suspect ay ang normal na pagsasalita sa simpleng interview tulad sa tanong ng anong pangalan at saan nakatira. Ang ibang tao ay natural na mabilis magsalita, pero kapag nagbago ang kanyang tono mula sa kalmado at biglang parang nabubulol, malamang hindi ito nagsasabi ng totoo. Ang mga sinungaling madalas ay hindi umaako kaya imbes na “ako” ang gamitin nito ay nagtuturo ito ng ibang pangalan at inilalabas sa picture ang kanyang sarili.

Normal na may madaldal na kausap na lahat ay may sagot sa iyong tanong. Pero kapag napapatigil at tila napapaisip, tiyak ay naghahagilap na ito ng palusot na isasagot sa iyo. Kapag panay ang paglilinis ng kanyang eye glasses, pagsisintas ng sapatos, pagpupunas ng mesa sa harap ni misis, at iba pang  mga kilos na paulit-ulit; sintomas na guilty si mister kaya hindi mapakali sa isang tabi. Ginagawa niya ang ganitong paulit-ulit na kilos para ma-distract at hindi mahalata ng asawa ang kanyang pagsisinungaling.

Kaya alisto at huwag paloloko dahil ang mga nabanggit ay signs na ito ay hindi nagsasabi ng totoo.

Show comments