Alam n’yo ba na kapag nagsimula ang sunog sa loob ng bahay ay mayroon lamang dalawang minuto para lumabas at makaligtas sa panganib? Sa oras ng sunog ang maagang warning mula sa smoke alarm at mayroong fire escape ay magandang practice na makapagliligtas sa kapahamakan. Mahalagang magkabit ng smoke alarm sa bawat palapag ng bahay, sa loob ng kuwarto, at labas ng sleeping areas. Buwan-buwan ay regular na i-check kung gumagana ang smoke alarm. Kung hindi ito gumagana ay palitan agad ng baterya. Pag-usapan ng pamilya ang plano kung saan lalabas at pupunta; ipraktis ito dalawang beses sa isang taon.
Tandaan kapag nagkaroon ng sunog sa bahay ay lumabas agad at humingi ng tulong. Huwag babalik sa loob ng tahanan para balikan ang gamit o kasama sa bahay.