BABALA: Kumunsulta muna sa inyong doktor kung ang mga unang lunas na ito ay hindi kontra sa inyong iniinom na gamot kung mayroon man o kung may allergy.
1. Magbabad ng dalawang hibla ng saffron sa isang tasa ng mainit na tubig. Inumin ito bago matulog sa gabi.
2. Uminom ng isang tasa ng chamomile tea sa gabi. Maaaring lagyan ito ng cinnamon o honey para pampatamis.
3. Kumain ng isang pirasong saging para maging regular ang sleeping pattern.
4. Mag-hot shower or bath dalawang oras bago matulog. Nakatutulong itong makapagpa-relax ng nerve endings.
5. Maghalo ng tigalawang kutsarang organic apple cider vinegar at honey sa isang baso ng mainit na tubig. Inumin ito bago matulog.
6. Matulog sa madilim at tahimik na kuwarto.
7. Iwasang kumain ng marami bago matulog.