Sino’ng Mas Seloso ang mga Babae o Lalaki?

* Naku ang mga lalaki ang mas seloso kaysa sa aming mga babae noh. Yung mister ko sobrang seloso rati kaming magkasama sa trabaho. Puro tamang hinala kahit wala naman akong ginagawa. Para tumigil ay nag-resign na  lang ako at naghanap ng trabaho sa iba nang hindi ko siya kasama. Pero naku hindi pa rin nagbago, panay ang check kung nasaan ako. – Mean, Manila

* Ako inaamin ko na selosa ako. Hindi mo naman ako masisi dahil bukod sa gwapings ang nobyo ko, at talagang mahilig magpa-fall sa mga babae. Kainis ‘di ba, buti pa pangit na lang ang pinili ko para hindi masakit sa ulo. – Beng, Novaliches

* Hala hindi lang babae ang selosa ha. Yung mister ko pati Facebook account ko tsinitsek kung sino ang kausap ko sa messenger. Feeling niya may iba akong ka-chat noh. Samantalang gawain niya ang makipag-chat sa ibang babae. Pinapasa lang sa akin ang trip niya.

- Maricel,  Batangas

* Yung asawa ko wais kunwari dahil iniiba niya ang pangalan ng mga babae sa cell phone niya. Kapag hindi ka ba naman talaga magseselos dahil ang dami niyang ka-textmates na mga babae ‘di ba. Jessica, Las Piñas

* Wala naman sa gender ang pagseselos. Kahit pa sabihin na kaming mga babae ang mas selosa. Pero kahit ang mga lalaki, nobyo, o mister ay tinatamaan din ng selos lalo na kapag may nararamdamang hindi tamang ginagawa ang kanilang mga partner.

– Michelle, Baguio

 

Show comments