Matutupad ang Wish

Panaginip: Maraming tao sa aming bahay dahil namatay ang aking tiyo. Pero walang kabaong o bangkay sa aming bahay. May kanin pero di ako nakapagluto ng ulam. Nagbukas ako ng sardinas para lang may maiulam ang mga naglalamay. In real life, matagal nang patay si Uncle.---Miss A

Interpretation: Kaya walang kabaong at bangkay ay dahil matagal nang nailibing ang iyong tiyo. Ang kanin ay nagsasaad ng katuparan ng isang matagal ng wish. Pero sa bandang huli ay makakaranas ng kalungkutan dahil sa isang pangyayari. Ito ang ipinapahayag ng sardinas.

Show comments