Ilang siglo nang ginagamit ang rice water o ‘yung pinaghugasan ng bigas ng mga babaeng Asyano sa pagpapaganda.
Marami na raw napatunayan ang pinaghugasan ng bigas para mapanatili ang mala-porselanang kutis na minimithi natin.
Pwede ang rice water sa dry, skin at normal skin maaari rin naman gamitin ang rice powder bilang body scrub para matanggal ang dead skin.
Mabibili sa beauty shop ang mga produktong ito pero mas maganda pa rin kung ikaw mismo ang gagawa para siguradong wala itong kemikal at sariwa rin.
Narito ang ilan sa maraming benepisyo ng paggamit ng pinaghugasan ng bigas:
Para sa makinis na mukha, ibabad lang sa loob ng 10 minuto ang apat na kutsarang malinis na bigas sa isa hanggang dalawang baso ng tubig. Kapag nagkulay gatas na ang tubig, salain na ang bigas at pwede nang ilagay sa airtight na lagayan ang rice water, at ilagay sa refrigerator. Gamitin ito pagkatapos maligo. Gumamit lang ng bulak at i-apply sa mukha.
Para sa makintab at masiglang buhok, ibabad ang rice water sa inyong buhok ng 20 minuto bago banlawan.