^

Para Malibang

Pinaghugasan ng Bigas

KUKAY KIT - DC - Pang-masa

Ilang siglo nang ginagamit ang rice water o ‘yung pinaghugasan ng bigas ng mga babaeng Asyano sa pagpapaganda.

Marami na raw napatunayan ang pinag­hugasan ng bigas para mapanatili ang mala-porselanang kutis na minimithi natin.

Pwede ang rice water sa dry, skin at normal skin maaari rin naman gamitin ang rice powder bilang body scrub para matanggal ang dead skin.

Mabibili sa beauty shop ang mga produktong ito pero mas maganda pa rin kung ikaw mismo ang gagawa para siguradong wala itong kemikal at sariwa rin.

Narito ang ilan sa maraming benepisyo ng paggamit ng pinag­hugasan ng bigas:

Para sa makinis na mukha, ibabad lang sa loob ng 10 minuto  ang apat na kutsarang malinis na bigas sa isa hanggang dalawang baso ng tubig. Kapag nagkulay gatas na ang tubig, salain na ang bigas at pwede nang ilagay sa airtight na lagayan ang rice water, at ilagay sa refrigerator. Gamitin ito pagkatapos maligo. Gumamit lang ng bulak at i-apply sa mukha.

Para sa makintab at masiglang buhok, iba­bad ang rice water sa inyong buhok ng 20 minuto bago banlawan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with