Madamot na Hipag

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po akong Zizy. May asawa po akong seaman na maayos naman ang aming pagsasama. Ang problema ko po ay galit sa akin ang mga kapatid niya. Sinasabi nilang kuripot at madamot ako dahil ako ang may hawak ng pera ng kapatid nila. Madalas sinusungitan at sinisiraan nila ako. Kung tutuusin kung hindi ako naging masinop sa pera ay hindi kami makakabili ng bahay. Wala akong problema sa aking mga biyenan, kundi sa aking hipag at bayaw. Hindi ako nagdadamot, kundi bina-budget ko lang ang pera dahil hindi naman lagi malakas ang mister ko para mag-seaman.

Dear Zizy,

Ipagpatuloy mo lang ang pakikitungo ng maganda sa kanila sa kabila ng magagaspang na ipinapakita nila sa iyo. Kahit pa ikaw ang may karapatan dahil ikaw ang misis. Pero hindi puwedeng habang buhay na lang na ikaw ay inaaway ng iyong bayaw at hipag. Kaya dapat na pag-usapan n’yo rin ng mister mo ang problemang iyan. Dapat na siyang pumagitna dahil parehong mahal niya sa buhay ang nagbabanggaan.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

 

Show comments