Isang misteryosong siyudad sa Mexico ang nadiskubre na sinasabing mas nauna pa sa Aztec civilization. Tinawag itong Teotihuacan ng Aztects na ang ibig sabihi’y “the place where men become gods.” Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng mga eksperto mula sa National Institute of Anthropology and History ng Mexico, tubig ang sagot para sa matagal nang katanungan kung sino ang namumuno sa sibilisasyong may halos 150,000 na naninirahan. Ilang archaeologists na rin ang nagsabi at nakaisip na ang nasabing lugar kung saan nakatayo ang ilan sa malalaking pyramid sa buong mundo ay isang lugar para sambahin ang mga diyos-diyosan ng sinaunang tao. Pero ayon sa pag-aaral ni Veronica Ortega, mali ang mga naunang scholar at naniniwala siyang ang Teotihuacan ay lugar para sambahin ang tubig.
Ang mga paghuhukay ni Veronica at ng kanyang grupo ay dumiskubre ng mga kanal, sculpture ng water gods, seashells, pitsel, at parang mga pool sa paligid nito. Ang mga taong naninirahan sa Teotihuacan ay halos mga magsasaka na kailangang tiisin ang ilang buwang tagtuyot. Pero ang ibang archaeologist ay hindi pa rin kumbinsido. Naniniwala pa rin sila na isa itong lugar kung saaan sinasamba ang iba’t ibang diyos-diyosan noong sinaunang panahon.
Sa palagay n’yo, nalutas na nga ba ang sinasabing misteryo ng Teotihuacan o may mas malalim pang sikreto ang nakabaon sa lupa? May koneksyon nga kaya ito sa tubig at diyos-diyosan o kagagawan ito ng extraterrestrial?
Kayo na ang humusga.