^

Para Malibang

Chinese New Year ng OFW

SPORTING CHANCE - Pang-masa

Marami sa Hong Kong at Singapore employers na pamilya na rin ang turing sa mga Pinay domestic helpers. Ngayong mahaba ang holidays sa selebrasyon ng Lunar New Year ay isinasama ng employers ang mga DH Pinay sa kani-kanilang kamag-anak.  Pero kapag inutusan ang mga DH Pinay na maglinis ng bahay at maghugas ng pinggan ng employer ito ay labag sa batas.

Ang ibang employers ay nagbibigay ng ekstrang bayad sa kanilang helper; na kapag masuwerte ay may sobreng pulang envelop ang inaabot sa kanila. Pero ang ibang overseas Filipino workers sa mga Chineses countries ay hindi pinapayagang magbakasyon sa kanilang Chinese New Year o statutory na pagpapahinga mula sa trabaho ng mga Tsino ng lima hanggang pitong araw na holidays.

Hiling ng mga OFW na dapat ay nakalagay din ng maliwanag sa kanilang kontrata ang rest day ng mga DH  bilang respeto sa kanilang day off. Marami pa rin ang kasong kahit holiday ay may work pa rin ang mga Pinay DH na imbes na doble ang bayad ay single pay day lang ang kanilang natatanggap.  Mayroon ding pinapayagang magbakasyon tuwing Lunar New Year pero reklamo ng mga OFW ay sobrang kalat naman ang kanilang nadadatnan sa bahay ng kanilang mga amo.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with